Ang mga konseptong nakaugnay sa isa’t isa (makikita sa itaas) ay mayroong mga sumusunod na paliwanag:
Marami sa mga taong nasa Metro Manila ang gumagamit ng pampublikong sasakyan bilang kanilang transportasyon sa araw- araw. Dahil sa pagdami ng populasyon, nagkakaroon ng dahilan ang mga namamahala ng mga pampublikong sasakyan na magdagdag nang magdagdag ng mga pinalalabas na sasakyan sa kalsada. Isa pang dahilan ng pagdami ng mga sasakyan ay ang kahirapan sa paghahanap ng hanap- buhay. May mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral na pinili na lamang magmaneho ng bus, dyip o kaya ay taxi dahil mas madali itong mapag- aralan.
Dito pumapasok ang pamahalaan— gumawa ang pamahalaan ng mga ahensiyang maaaring magpatupad ng batas at mangangasiwa sa sektor ng transportasyon. Ang mga ahensiyang ito ang nagbibigay- patakaran at mga regulasyon na kailangang sundin ng bawat sasakyan. Ang mga ahensiya ring ito ang nagbabantay ng mga kakalsadahan upang mapanatili ang kaayusan at maitala ang lahat ng mga aktibidad na nangyayari dito upang mapag- aralan. Ang pag-aaral nito ay nakatutulong sa kanila upang makita ang problema na nararapat mabigyan ng solusyon kaagad upang mapanatili ang kaayusan ng kalagayan sa kalsada.
Bagamat may mga batas na ipinatutupad ang pamahalaan, hinding- hindi mawawala ang mga lumalabag dito. Ang mga alituntunin at batas trapiko ay madalas isinasantabi lamang ng mga drayber na nagiging dulot ng kanilang pagiging “road illiterate” o walang wastong kaalaman sa mga batas trapiko. Ang kawalan ng wastong kaalaman sa batas trapiko naman ang nagdudulot ng "road disturbances" gaya ng trapiko at mga aksidente sa kalsada.
D. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga sumusunod: serbey sa publiko ukol sa kaalaman nila sa kalye, pagkakaroon ng panayam sa mga may awtoridad sa kaalaman ukol sa kalye, at ang pagsubok na sumakay sa mga pampublikong sasakyan at makisangkot sa kapaligiran bilang isang “commuting public".
II. Datos at Pag- aanalisa
Artikulo mula sa AssociatedContent.com
A Brief Overview of Manila's Traffic Woes
Manila, if it wanted, could issue a single traffic report on a single day for all roads for the entire year. And this report would only require three words - very very busy. Plain and simple.
Coming from a more-or-less well-organized traffic system in Minneapolis, Minnesota, Manila traffic just doesn't make sense. Well, that's to say that it is completely understandable why there are the painful bottlenecks that exist, but that the individual thinking behind each steering
Traffic in Manila, Philippines - Simply Devestating
wheel of each motor vehicle could easily prevent these very traffic jams.
With about sixteen million people inhabiting metro Manila, some of the traffic is unavoidable. People have to commute to and from work and school. And when sixteen million people have to commute, things naturally will get busy, no matter how good the infrastructure.
The driver's and bikers and pedestrians of Manila's streets know this fact, the "busy" fact. What do they decide to do then? Simple, getting from point A to point B becomes a free-for-all everyone for themselves affair. Even the most dense of roads become nests of cars and buses and motorcycles and bikes and sidecars and jeepneys and pedestrians to wind there ways in and out of traffic searching for the elusive route of least resistance.
More often than not, of course, the quickest way to move from one place to the next is not in the best interest for other vehicles on the road. I have viewed the on-the-road struggles from the backseat of my taxi countless times on the way to the office. Taxi's cut off one another, slowly edging into the next lane if necessary, forcing their way in. Bigger vehicles don't edge, they simply move over - anything in their way will be crushed. Buses do this, as well as the occasional Ford Expedition. Jeepneys, basically extended jeeps, block entire lanes waiting to pack at least twenty into their hull.
Traffic lights mean quite little in Manila. Mostly, there are traffic police waving their arms here and there trying to make sense of it all. Normally they do a reasonable job, but why traffic police when you have traffic lights?
Pedestrians cause the most problems. They simply cross the street whenever they like. No-one wants to run anyone over, so traffic is stuck in these situations for several more valuable seconds.
At the end of the day, when in Manila, one just has to plan ahead. If you need to leave two hours early for a meeting or a date, then that's what you do. Or, you could just arrive late (called being on "Manila time") and blame it on the horrendous traffic ("sir it really was devastating
Traffic in Manila, Philippines - Simply Devestating
on Edsa today..."). And no-one could ever contradict you.
C. Mga Panayam
Upang maging mas mabisa at kapaki- pakinabang ang pananaliksik na ito ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng panayam sa isang opisyal ng MMDA-TOC at pati na rin sa dalawang taxi drayber, ilang serbey ang ginawa mula sa mga pasahero ng iba't ibang pampublikong sasakyan at pangangalap ng datos na may kinalaman sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at isang artikulo na tungkol sa naging pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ayon kay Direktor Angelito Vergel de Dios, "Kadalasan talaga ng mga nagdudulot ng trapiko ay yung mga PUJ at PUV na yan... Well, wala naman tayong magagawa diyan dahil for survival ang ginagawa nila... Marami talaga sa kanila ang hindi alam ang tamang mga batas na dapat ding sundin... Eh, para saan pa na maglalagay kami ng mga signs, hindi naman nila binabasa o sinusunod. Naglagay nga kami ng mga timers at fences, hindi rin nasusunod. Kaya naman napag-isipan nalang namin na maglagay nga kamera, actually, meron na kaming 51 na kamera na naka-install pero balak naming mabalutan ang buong sakop namin ng 400 na kamera. Ito ay para kahit wala kami mismo doon sa lugar kung saan nangyari ang violations, alam pa rin ng mga drayber na 'yan nakita namin sila... Kung iisipin hindi lamang mga drayber ang lumalabas sa batas kundi pati mga sibilyan... Kasalanan din ng gobyerno kung bakit nagta-trapik... Kung hindi ba naman kasi nila kinokonsinti yang mga bus sa edsa na dumoble ang dami kaysa sa tamang limitasyon lang eh... Hindi sana nagkakaroon ng gitgitan... Matigas din kasi yang ulo ng mga bus at dyip, sinabi nang walang magbaba sa kanto, ganoon parin ang ginagawa nila... Kaya nga may babaan o waiting shed kaming ginawa eh... Pero mas matigas yang mga businessmen dahil dinagdagan nila ng mga waiting sheds for advertising ayan kami ang nahihirapan... Pero talaga DISIPLINA talaga ang kailangan ng mga drayber na yan eh..."
Mula naman sa napagtanungang drayber ng taxi na si Danillo Lagman, "Alam niyo, kaming mga drayber ay nagtra-trabaho lang para sa kabuhayan kaya hindi rin masisisi masyado kung bakit mayroong mga hindi talaga sumusunod sa batas o nagmamaang- maangan dito..."
"... Hindi naman lahat ay ganyan, meron pa ring drayber na talagang sumusunod sa batas, nasa disiplina lang talaga lahat... minsan kasi yung pasahero ang pumipilit na bumaba sa gitna dahil masyadong malayo daw ang susunod na babaan kaya nagkakaroon ng trapik...", sagot naman ni Henry Enriquez.
Ayon naman sa serbey na itinanong sa mahigit tatlumpung katao na pawang commuters ng iba't ibang pampublikong sasakyan, masasabing nangunguna sa kanilang listahan ang pampublikong sasakyan, sumunod ang mga taong tumatawid at huli ang pamahalaan sa mga dahilan ng "road disturbances".
Isa sa kanila ay pumayag na makipagusap, itago na lamang natin siya sa pangalang Chen, "'Yang mga dyip na 'yan, ang bibilis magpatakbo ng kanilang sasakyan at talagang nakikipag-unahan pa sila... Kung gaano sila kabilis magpatakbo ganoon din sila kabilis magpreno... Minsan pa dahil may nagbungguang dyip at bus muntikan pa akong ma-late sa pagpasok at hindi makaabot sa exam ko... Tapos minsan pa sa sobrang tagal nila maghintay sa isang lugar para sa pasahero nasasayang ang higit sa 20minutes ko..."
Sa mga iyan, unti-unti nang nabubuo ang kaalaman na hindi lamang dahil road illiterate kundi sila mismo ay ayaw nilang sundin o kilalanin ang batas dahil na din sa nais nilang makakuha man lang ng kikitain sa pang-araw-araw.
Nabigyan din ng pansin na ayon kay Direktor de Dios ng MMDA-TOC, ang mga paglabag na ito ay may pangkalahatang katawagan na "obstruction". Ang mga dyip ay kadalasang nakagagawa nito dulot nga ng pag-uunahang makapunta sa mga mataong lugar upang makakuha ng mas maraming pasahero. Ginagawa nilang parang karerahan ang ating kalye na talaga namang nakakadulot ng perhuwisyo sa lahat. Bagaman batid natin na ang lahat ng ito ay bunsod lamang ng matindi nilang pangangailangang pampinansyal at pangkabuhayan, nararapat pa rin na isaalang- alang nila ang mga magiging epekto ng mga "obstructions" na ito.
Narito naman ang artikulo tungkol sa naging research ng JICA ayon na rin sa nabanggit ni Dir. Angelito Vergel de Dios sa panayam. (Too Many Buses...)
Abracosa, Rafael Joseph Anunciacion, Shiela Marie Barcebal, Arik Jay Barza, Patricia Viudez, Krisha Gean Ikalawang Semestre 08-09Mga Mananaliksik: